Puro kalokohan lang ang laman nito, hahaha!

Lakaki. Taga-Pasig. Walang magawa sa Facebook kaya gumawa ng account sa Tumblr.

Kapag finollow ko kayo, ibig sabihin noon ay interesting para sakin ang mga posts nyo or may matututunan ako sa inyo o di kaya ay napatawa nyo ako, haha. Hindi ako nag-aantay ng follow back.

26th July 2011

Post with 2 notes

Hoy! Adik lang talaga ako.

Oo, para sa’yo ‘to. Alam ko hindi pa kayo. Pero sa totoo lang hanga na ako sa inyong dalawa. Hindi ko man alam ang buong kwento niyong dalawa pero tingin ko ay okay naman ata kayo. Siguro nag-aaway din kayo, natural lang naman siguro ‘yan eh. Ung kaibigan nga natin nakatatlong babae na ata ang dumating pero ikaw siya pa rin, hahaha. Ikaw na, ikaw na ang loyal. Hanga talaga ako sa’yo pagdating sa love, idol na kita, haha, may ganun?

Best of luck na lang siguro sa inyong dalawa. Sana kayo talaga ang magkatuluyan. Huwag na huwag ka niyang sasaktan kundi, naku, yari samin un, hehe, joke lang. Tingin ko naman panghabang buhay na kayo eh, may pangalan na nga ung anak niyo eh, hehe. Basta, pag na-heartbroken ka andito lang kami. Tuturuan ka naming kalimutan siya or makuha siya ulit. Tanduay ice ba iniisip mo? ‘Wag un pambata lang un, haha. Di, joke lang. Mukhang magtatagal naman kayo eh. Paulit ulit ako ah, hehe. Tama na nga ‘tong kalokohan ko, hahaha.

Tagged: kalokohan

()

26th July 2011

Post

May tanong lang ako.

Totoo ba ung mga quotes na naggaling kay Helen Keller?

()

26th July 2011

Post with 2 notes

O, bakit ka nagbura ng posts mo? Hahaha!

‘Yung post mo, oo yun nga. Ung nagsasabing siya na lang ang huling babaeng mamahalin mo. Kung saan mo sinasabing masayang masaya ka sa kanya at wala ka nang ibang hahanapin pang ibang babae. Tama ba ung mga sinasabi ko? Haha, hindi ko rin alam eh.

Hindi ako galit sa’yo at hindi rin ako naghahanap ng away. Gusto ko lang magbigay ng advice sa’yo. Sana panindigan mo ung mga babae pinagpapangakuan mo. Huwag mo sanang itrato na parang damit ang mga kababaihan na papalit palit lang lagi. Maging loyal ka sana at magbago ka na habang maaga pa. Bakit hindi mo gayahin si Mikkey? Haha, sorry at nabanggit pa tuloy kita. Ah basta. Un lang. Peace!

Tagged: kalokohanpersonal

()

16th July 2011

Post

Aanhin mo pa ang magandang cellphone?

Kung hindi mo naman katext ang mahal mo.

()

11th July 2011

Post with 4 notes

Nadagdagan na naman ang mga katanungan ko sa buhay.

Bakit ba daw bawal magbenta ng karayom kapag gabi na?

Noong isang araw nangyari ‘to.

May tindahan kasi kami, sari sari store, hehe. Hindi talaga ako ung tindero doon. Kukupit lang sana ako ng makakain tapos may kumatok, nagtanong kung may karayom kami. Naghanap pa ako kasi hindi ko naman kabisado ung pinaglalagyan nun. Nung nakita ko na, walang nakalagay kung magkano. Kaya nagtanong ako.

“Masamang magbenta ng karayom kapag gabi na kasi may masama daw na mangyayari.” sagot sakin. “Sabihin mo na wala na.”

Sasabihin ko na wala na? Bakit kasi may masamang mangyayari eh? Nakita na nga nung bumibili na meron kami eh. ‘Pag sinabi kong wala na baka namura pa ako nung bumibili.

So ang ginawa ko binentahan ko pa rin. Nag-imbento na lang ako ng presyo. Hindi ko na lang pinaalam na binentahan ko pa rin.

Pamahiin kasi eh. Hindi ako naniniwala dun. Sinusuway ko pa nga un eh, haha. Mga Pinoy talaga andaming alam, hehe.

Ang sarap talagang maging Pilipino.

Tagged: pinoykalokohan

()

6th July 2011

Post

Ang konti pa lang ng fino-follow ko.

Makapaghanap nga ng mga bagong pwedeng i-follow, hehe.

()

6th July 2011

Post with 2 notes

Tumblr? Ano ba un?!

Noong una kong narinig ang salitang Tumblr mula sa isa kong kaibigan ay wala talaga akong idea kung ano ung ibig-sabihin noon. Nagtanong pa ako sa kanya at nalaman ko na isa pala yun sa mga tinatawag na ‘social networking sites’. Siyempre na-curious ako at tsaka para sakin facebook’s getting a little bit boring.

Unang tingin ko sa website, na-intimidate ako at napanganga na lang. Wala talaga akong naintindihan, haha. Kinailangan ko pa talagang ipa-explain dun sa kaibigan ko kung paano gumagana ung Tumblr. Oo, inaamin ko na hindi ko talaga to na-gets nung una. Inexplain ng kaibigan ko na ang Tumblr ay isang lugar kung saan ka makakapag-post ng kahit anong gusto mo, ng mga nararamdaman mo, mga pictures, at kahit ano pang mga trip mong i-post.

Nagpamangha talaga sakin ay ang kalayaan na magpost ng kahit ano nang may kalayaan. Pwede akong magpost kahit ng mas privately, nang wala talagang makakakilala sakin. Hindi kagaya sa facebook na kapag may pinost ka alam talaga nilang ikaw un.

So, eto, simula ng adventure ko dito sa Tumblr. Sana maging fruitful ‘to at marami akong ma-meet na mga bagong kaibigan at sana marami akong matutunan sa mga finofollow ko. 

()

24th June 2011

Post with 2 notes

alam ko na ata ang solusyon sa kahirapan?

Kanina habang nakikinig ako ng radyo doon sa 97.1, ung programang ‘Wanted Sweetheart’, may naisip akong idea kung paano masusugpo ang kahirapan sa Pilipinas. Ung program kasi na yun mahirap i-explain kung pano, haha. Basta, may dalawang callers, isang babae at lalaki tapos parang magpapalitan sila ng number. Ah basta, pakinggan nyo na lang.

Yung lalaki kasi isa siyang college graduate tapos ung babae namang nakatapat niya ay high school lang ang tinapos. Ung lalaki parang engineer ata siya or ano tapos ung babae naman ay kasambahay. Tapos nag-uusap usap sila at napunta ung usapan nila sa achievements at antas sa buhay. Basta un na un, hehe.

So ang naisip ko, para siguro mabawasan ang kahirapan sa bansa, bakit hindi kaya ung mga mataas ang pinag-aralan at maganda ang trabaho ang pakasalan nila ay yung mga hindi nakapagtapos dahil sa kahirapan or basta mababa ang pinag-aralan. Kung ganun siguro ang mangyayari, aangat siguro ung status sa buhay nung mas mahirap ang buhay, tapos giginhawa buhay nila. Sa ngayon kasi mas madalas kapag mataas pinag-aralan mo usually ung hahanapin mong partner ung mataas rin ang pinag-aralan. Tapos ung mababa lang ang natapos ung mapupunta sa kanya kadalasan ung ganoon din. Kaya lalong yumayaman ung mga mayayaman at lalong naghihirap ung mga mahihirap eh. Siguro pag nangyari un, dadami ung mga magiging middle class. Teka, tama ba ‘tong mga pinagsususulat ko? Hay naku, sabog na naman ako ngayon. Mga ideas ko puro kalokohan eh, haha.

Tagged: kalokohan

()

24th June 2011

Post with 3 notes

ano ba ‘yang ‘pottermore’ na ‘yan?

Nakikita ko kasi ‘yan sa facebook lagi eh, tapos pati na rin dito sa tumblr. Ano yun, pinaghalong Harry Potter at Paramore? Maling mali siguro ung hula ko, haha. Tinatamad akong tignan eh, tsaka na lang. 

Tagged: pottermoreparamoreharry potter

()

21st June 2011

Post

nasaan si Papa Jack kanina?

Nakikinig ako ng radyo kanina dahil wala akong magawa at dahil nagsesenti na naman ulit ako. Dalawang stations lang naman ung pinapakinggan ko talaga eh. Ung 97.1 at ung 90.7 Love Radio. Palipat lipat lang ako sa dalawang istasyon na un. Sa 97.1 kasi pinakikinggan ko ung Wanted Sweetheart ni Papa Dan eh. Nakakatuwa lang ung programa na un, lalo na ung mga callers na naghahanap ng pag-ibig. Sa kabila naman ung TLC at WC ni Papa Jack. Naglilipat ako kapag tugtugan na.

Napansin ko lang kanina na hindi pala live ung kay Papa Jack kanina. Kasi narinig ko nung magpapatugtog na na “The best of TCL” daw un. Nagtaka lang ako kasi ngayon ko lang narining ung ganun. May replay na pala si Papa Jack ngayon. Hindi ko lang alam kung nasan siya, siguro dahil sa holiday kaya absent siya or ano. Ah basta, ayun lang, napansin ko lang. Adik lang.

Tagged: papa danpapa jackbadtrip

()